Remate – Economic Programs ni PNoy Kinopya Lang

Economic Programs ni PNoy Kinopya Lang

by Robert Ticzon

Remate

Jul 20, 2011 4:52pm HKT

 

WALANG bagong mapakikinggan sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III sa Lunes.

Ito ang pagtanaw ng isang organisasyon na binubuo ng mga Pilipinong mangangalakal at negosyante, gayundin ng mga kilalang ekonomista sa bansa.

Ayon kay National Economic Protectionism Association (NEPA) director Dr. Rene Ofreneo, isa sa indikasyon na hindi maganda ang magiging laman ng SONA ni Pangulong Aquino ay ang “kinopya”  lamang na 2011-2016 Medium-Term Philippine Development Plan (MTPDP) ng kanyang administrasyon.

Nakatakda umanong talakayin ng Pangulo ang kanyang MTPDP sa SONA na ihahayag niya sa harap ng dalawang kapulungan ng Kongreso – ang Senado at Kamara de Representantes.

Sinabi ni Ofreneo na pare-pareho lamang ang polisiyang pang-ekonomiya ng lahat ng mga naging Pangulo sa loob ng 40 taon at binalangkas ito ng mga bureaucrat mula sa National Economic Development Authority (NEDA) kaya lahat ito ay palpak.

“Without exception, all development plans since 1972 have featured a labor-intensive export orientation, and 40-years of failure is enough,” ani Ofreneo na binatikos pa si NEDA Director-General Carlos Paderanga na isa umano sa utak ng MTPDP.

Samantala, kung hindi natutuwa si Ofreneo sa NEDA, hindi rin nagugustuhan ni NEPA chairman emeritus Salvador M. Enriquez ang performance ng Gabinete ni P-Noy lalo na sa implementasyon ng Conditional Cash Transfers (CCT).

Para naman kay NEPA president Bayan dela Cruz, kailangan ding ikonsidera ang pagbibigay ng exemption sa buwis sa mga maliliit na negosyanteng Pilipino upang ang matitipid nila sa pagbabayad ng tax ay maibigay nila bilang dagdag-pasahod sa kanilang manggagawa.

Aniya, sapagkat nahihirapang makaagapay ang mga Pilipinong negosyante sa pamamayagpag ng malalaking multi-national companies sa lokal nating merkado, hindi nila maibigay ang nararapat na insentibo at pasahod para sa kanilang manggagawa.

 

This entry was posted in Articles and Statements, News Articles. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *