Mensahe ng Pagsuporta ang NEPA sa Adhikain ng mga Magsasaka para sa Tunay na Reporma sa Lupa

Mensahe ng Pagsuporta ang NEPA sa Adhikain ng mga Magsasaka para sa Tunay na Reporma sa Lupa

October 2011

 

Nakiki-isa ang National Economic Protectionism Association (NEPA) sa pagdiriwang ng Linggo ng Magsasaka.

Mahigpit na magkaugnay ang adhikain para sa tunay na reporma sa lupa ng mga magsasaka sa adhikain ng mga makabayang negosyante Pilipino para sa pambansang industriyalisasyon.

Naniniwala ang NEPA na ang pambansang industriyalisasyon ang magbibigay ng trabaho sa lumalaking populasyon ng bansa – karamihan nito ay mula sa ating kanayunan. Ang pambansang industriyalisasyon din ang magpapataas ng produktibidad ng mga magsasaka at magtatataas ng kita para sa mga nagtatrabaho sa agrikultura.

Subalit hindi magaganap ang pambansang industriyalisasyon kung hindi mapapalaya ang magsasaka sa tanikala ng lupa. At lalong hindi magaganap ang pambansang industriyalisasyon kung ang lupa ng bansa ay ibebenta sa mga dayuhan tulad ng ipinagtutulakan ng kasalukuyang administrasyon.

Kailangan ng bansa maging higit na produktibo at magaganap ito sa pamamagitan ng paglikha ng mga Pilipino – maging negosyante man o magsasaka o manggagawa, ng mga produkto at serbisyo para sa kapwa niya Pilipino.

Higit 50 taon na mula ang sinimulan ang kasalukuyang export-oriented development strategy. Wala itong binunga kundi wasakin ang lokal na industriya at manupaktura.  Ang dating masigla at papasulong na mga negosyanteng Pilipino ay kinukumbabawan ng mga dayuhang mamumuhunan. Ang dating masiglang produksyon ng ating industiya ay nilalamon ngayon ng mga dayuhang imports.

Subalit ang kahirapan ng mga negosyanteng Pilipino ay maliit lamang kung ikukumpara sa daan taong kahirapan ng mga magsasaka. Hindi na ito dapat tumagal o dapat patagalin pa.

Nagpupugay ang NEPA sa mga militanteng organisasyon ng magsasaka sa ilalim ng bandila ng Kilusang Magsasaka ng Pilipinas. Ang KMP ang nagsilbing ang talim ng espada ng mga magsasaka sa kanyang pakikibaka. Sana ay patuloy nating patalasin ang sandatang ito.  Mabuhay ang magsasakang Pilipino!

This entry was posted in Articles and Statements, President's Messages. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *