Mensahe ng Pagsuporta ang NEPA sa Adhikain ng mga Magsasaka para sa Tunay na Reporma sa Lupa

Mensahe ng Pagsuporta ang NEPA sa Adhikain ng mga Magsasaka para sa Tunay na Reporma sa Lupa

October 2011

 

Nakiki-isa ang National Economic Protectionism Association (NEPA) sa pagdiriwang ng Linggo ng Magsasaka.

Mahigpit na magkaugnay ang adhikain para sa tunay na reporma sa lupa ng mga magsasaka sa adhikain ng mga makabayang negosyante Pilipino para sa pambansang industriyalisasyon.

Naniniwala ang NEPA na ang pambansang industriyalisasyon ang magbibigay ng trabaho sa lumalaking populasyon ng bansa – karamihan nito ay mula sa ating kanayunan. Ang pambansang industriyalisasyon din ang magpapataas ng produktibidad ng mga magsasaka at magtatataas ng kita para sa mga nagtatrabaho sa agrikultura.

Subalit hindi magaganap ang pambansang industriyalisasyon kung hindi mapapalaya ang magsasaka sa tanikala ng lupa. At lalong hindi magaganap ang pambansang industriyalisasyon kung ang lupa ng bansa ay ibebenta sa mga dayuhan tulad ng ipinagtutulakan ng kasalukuyang administrasyon.

Kailangan ng bansa maging higit na produktibo at magaganap ito sa pamamagitan ng paglikha ng mga Pilipino – maging negosyante man o magsasaka o manggagawa, ng mga produkto at serbisyo para sa kapwa niya Pilipino.

Higit 50 taon na mula ang sinimulan ang kasalukuyang export-oriented development strategy. Wala itong binunga kundi wasakin ang lokal na industriya at manupaktura.  Ang dating masigla at papasulong na mga negosyanteng Pilipino ay kinukumbabawan ng mga dayuhang mamumuhunan. Ang dating masiglang produksyon ng ating industiya ay nilalamon ngayon ng mga dayuhang imports.

Subalit ang kahirapan ng mga negosyanteng Pilipino ay maliit lamang kung ikukumpara sa daan taong kahirapan ng mga magsasaka. Hindi na ito dapat tumagal o dapat patagalin pa.

Nagpupugay ang NEPA sa mga militanteng organisasyon ng magsasaka sa ilalim ng bandila ng Kilusang Magsasaka ng Pilipinas. Ang KMP ang nagsilbing ang talim ng espada ng mga magsasaka sa kanyang pakikibaka. Sana ay patuloy nating patalasin ang sandatang ito.  Mabuhay ang magsasakang Pilipino!

Posted in Articles and Statements, President's Messages | Leave a comment

Closing Speech to Makabayan Roundtable

Closing Speech to Makabayan Roundtable

June 22, 2011

 

Senator Manny Villar, Cong. Teddy Casino, Ka Satur, Ka Liza, Mr. Sonny Africa, Dr. Chito Medina, Mr. Jess Arranza, Mr. Sergio Ortiz-Luis, Mr. Joseph Ranola, mga kaibigan sa Makabayan at mga kasamahan ko sa NEPA, magandang tanghali sa inyong lahat!

Tulad ng sinabi ng ating butihing mambabatas Sen. Manny Villar, napapanahon at makabuluhan ang ating pagpupulong ngayon.  Nahaharap sa ating bansa sa matinding krisis, isang krisis na matagal nang nagsimula at parang walang malinaw na katapusan. Ang krisis na kinakaharap natin ngayon ay araw-araw na nadarama ng ating mga kababayan mula manggagawa at mismong mga negosyanteng Pilipino.

At sa harap ng krisis na ito, namamangha ako kung bakit parang walang sense of urgency upang harapin ang mga ito. At ang ilang tangka ng pamahalaan para lutasin ang krisis na ito ay kulang at mababaw.

NEPA agrees with IBON on the major points against the 2011-2016 Medium Term Philippine Development Plan. We agree that the current Medium Term Program is just a rehash of previous programs with the most minor of changes. Among these are there the conduct of consultations. But what is the sense of having consultations when as the environmental lobby groups ruefully says, NEDA listened to us but they listened to the mining lobby more as they have a bigger voice.

We agree with IBON that the current development model is a simple reaffirmation of a flawed development model that we have had for the past 50 – 60 years. What is bandied about as a new world order or what is now fashionably called globalization have been with us since the time of the first Macapagal. Only it is much worse now.

How do we turn things around?

Since 1934, NEPA believed and advocated that national industrialization is an inescapable component of true independence.  Since the 1950’s, the NEPA leadership had already proposed a blueprint for a complete industrialization so that we as a nation can sustain the growth we enjoyed in that decade when our country was second only to Japan in economic development. More than half a century have passed, we are still advocating national industrialization but only this time, we are not the second most developed economy – we are scrapping the bottom of the barrel.

Our esteemed guests have put forth a policy framework and a workable program for development. We are most pleased that we share our vision especially with what Cong. Teddy Casino had put forth. We must build the Filipino domestic economy, we must develop the local market, and we must buy Filipino.

NEPA also agrees with the need Mr. Arranza that in order to help Filipino business men, the government must prioritize Filipino products, Filipino companies in its procurement policies. One of NEPA’s bedrock principle is Tulungan.

But let me just add one more thing to the discussion. Stewardship. We are stewards of this nation, of our generation and the generations that will follow us.

Our money, our capital, our natural resources and our people are invaluable wealth that we must safeguard as well as use for and in behalf of our nation.

Our government has made it a policy to export of our people to the most far-flung corners of the world in search of measly pay. Our government has given tremendous incentives so that our natural resources can be exported to support the industrializing plans of other countries. Our seas are combed by foreign vessels.  Money, capital, profit generated in our country, are being sent out in the name in free movement of capital.

My friends, this is not stewardship of our country.

I am honored to be part of this gathering, and rest assured, NEPA will continue to fight what its leaders 77 years ago started. And with friends like you, I know, we cannot but succeed.

And so, on behalf of NEPA and MAKABAYAN, I thank you all for being here today. Mabuhay ang Pilipinas, Mabuhay ang Pilipino!

Posted in Articles and Statements, President's Messages | Leave a comment

Speech to Naga Chamber of Commerce

Speech to Naga Chamber of Commerce

June 22, 2011

 

Cong. Teddy Casino, Metro Naga Chamber of Commerce President Mr. Philip Imperial, Madam Lilia Antonio, friends,  magandang hapon sa inyong lahat!

Una sa lahat, nais kong magpasalamat kay Mr. Philip Imperial at sa buong Naga Chamber of Commerce sa pagkakataong makapagsalita sa inyong harapan. Sa totoo lang, ito ang aking unang pagkakataon na makapagsalita sa labas ng kapulungan ng NEPA.

Naglakas-loob akong humarap at magsalita sa inyo dahil ito ay isang hamon at magandang pagkakataon upang ihatid ang mensahe ng NEPA sa inyo, mga negosyanteng Pilipino.

Ang paksang ibinigay sa akin sa pagtitipong ito ay ang usapin ng pagpapalakas ng domestic economy.  Sa puntong ito, mainam marahil na ipamilyarisa ko kayo sa kasaysayan ng NEPA dahil ang kasaysayan nito ay kasaysayan ng pakikipaglaban para mabuo ang isang ekonomiya mula at para sa Pilipino.

Ang National Economic Protectionism Association o NEPA ay isang matandang organisasyon. Itinayo ito noong 1934 ng Philippine Chamber of Commerce – ngayo’y Philippine Chamber of Commerce and Industry upang isulong at itaguyod ang adhikain ng economic nationalism.

Noong panahong iyon, ang pangunahing usaping kinakaharap ng bansa ay ang kalayaan. Sa isang maikling salita, sakop tayo noon ng mga Amerikano. Kung kaya’t isa sa mga pangunahing anyo ng paglaban noon ay ang mga lobbying efforts nina Quezon, Roxas, Osmena sa Kongreso ng Estados Unidos upang sa malao’t madali ay maitatag ang Republika ng Pilipinas.

Habang maingay na maingay ang usapin ng pampulitikang kalayaan, nararamdaman ng mga pinuno ng Philippine Chamber of Commerce na hindi sapat ang pampulitikang kalayaan. Para sa kanila, ang paghahangad na maitatag ang ating bansa ay nangangahulugan din ng pagbubuo ng isang domestic market kung saan nililikha ng mga Pilipino ang kanilang mga pangangailangan.  Para sa kanila, walang saysay na makamit ang pampulitikang kalayaan mula sa mga Amerikano kung mananatiling kontrolado naman ng dayuhan ang lokal na pamilihan.

Kung kaya’t itinatag ng Philippine Chamber of Commerce ang NEPA noong 1934.  Ang mga nagtayo ng NEPA at mga pinuno ng Philippine Chamber of Commerce ay mga kilalang negosyante ng panahong noon.  Sila ay sina Benito Razon, Salvador Araneta, Ramon Fernandez, Joaquin Elizalde, Aurelio Periquet at iba pa. Maaring kilala natin ang mga apilyido nila dahil sila ang mga ninuno ng mga leaders of industry ngayon.

Paano isusulong ang pagtatayo ng domestic market? Sa simula, nanindigan ang mga namumuno ng NEPA sa pangunguna nina Salvador Araneta na kinakailangang tangkilikin ng mga Pilipino ang produkto ng mga negosyanteng Pilipino. Ito ang unang rekisito.  Kung kaya’t naglunsad ang NEPA ng kampanya upang imulat ang mga Pilipino sa halaga ng pagtangkilik sa sariling atin.

Hindi naging madali ang kampanyang ito. Malakas ang American, Chinese at  Japanese lobby. Siniraan nila ang kampanya ng mga makabayang negosyante. Sabi ng American Chamber of commerce, ang kampanya ng NEPA ay “anti-American.”

Tandaan natin na ito ang panahon sakop tayo ng mga Amerikano, kung kailan ang mismong paglaladlad ng ating watawat ay iligal.

Gayunpaman, sinuportahan ng mga makabayang peryodista at ng mga makabayang opisyal ng Department of Education ang NEPA. At masasabing naging laganap ang panawagan ng NEPA at mismong si Manuel Quezon ay naglabas ng Proclamation 76  noong Aug. 11, 1936 na nagtatalaga ng ikalawang lingo ng Agosto bilang Made-in-the Philippines product week.

Subalit hindi ito naging sapat.

Matapos ang World War II, kinaharap ng NEPA at ng bansa ang matinding dagok ng sapilitang ipinapasa sa ating gobyerno ang Parity Rights Agreement at iba pang batas na nagbibigay ng “ispesyal na proteksyon” para sa mga Amerikano kapalit ng “pagbibigay” nila ng kalayaan at ng kakarampot na rehabilitation aid.

Mabigat ang naging epekto nito sa mga negosyanteng Pilipino at sa bansa. Mabilis na naubos ang ilang daang milyong dolyar na ibinigay sa atin dahil ang mga kontrata sa reconstruction ay pangunahing ibinigay sa mga Amerikanong kontraktor. Ginamit din ang kakarampot na dolyares upang makapag-import tayo ng mga di-kinakailangang consumer products tulad ng sigarilyo at chocolate.

Sa puntong ito, muling itinatag ang NEPA. Tulad ng unang pagtatatag, binuo ang NEPA ng mga negosyanteng Pilipino sa pamumuno ni SEn. Gil Puyat. Ipinaglaban nila ang halaga ng pagkakaroon ng proteksyon para sa negosyante Pilipino.

Masasabing naging matagumpay ang NEPA sa panahong ito dahil sa loob isang taon, ipinatupad ng administrasyong Quirino ang tinatawag na “controls laws”. Pinigilan ng mga batas na ito ang paggamit ng kakarampot na dolyares para sa pag-import ng hindi kinakailangang produkto. Binigyang daan nito ang tinatawag na import substitution kung saan binigyang prayoridad ang mga gawang Pilipino kumpara sa imported na produkto.

Higit na makakapamayani ang economic nationalism nang ipatupad ni Pres. Carlos P. Garcia ang Filipino First Policy.

Sa loob lamang ng sampung taon, libu-libong kumpanyang Pilipino ang naitayo, daan-libong mga produkto ang naimbento, maraming mga manggagawa ang nagkatrabo, tumaas ang revenue ng gobyerno. Sa panahong ito, nalilikha na natin ang mga batayang panangailangan tulad ng sabon, kutsara’t tinidor, kagamitang plastic, at iba pang consumer items. Naitayo na rin natin ang pundasyon ng isang steel industry, plastics, car manufacturing at iba pang mahahalagang sangkap ng isang nag-iindustrialisang bansa.

Mga kaibigan, dahil sa economic nationalism, naging pinakamaunlad na bansa ang Pilipinas, segun lamang sa Japan, sa loob lamang ng 10 taon!

Sa panahong ito, ang South Korea at Taiwan ay parang pastulan lamang na nasa gitna pa ng gera. Hindi pa bansa ang Singapore. Malayung-malayo tayo sa India, China at iba pang bansa noong panahon noon.

Sa kasamaang palad, di-makakatiis ang mga dayuhan sa ganitong kalakaran. Kung kaya’t kumilos ang foreign lobby at sa panahon ni Diosdado Macapagal, binaklas ang nationalist laws at pinalitan ng tinatawag na natin ngayong “mga patakarang globalisasyon”

Mabilis na bumulusok ang ating ekonomiya na pinalala ng sunod-sunod na devaluation sa panahon ni Macapagal at sa unang termino ni Marcos.

Mula noon hanggang sa ngayon, sistematiko at tuloy-tuloy na bumagsak an g ating manufacturing at industrial sector. At sa ngayon, mismong ang ating agrikultura ay bumagsak na rin. Ang sibuyas, bawang, luya, bigas at iba pa ay pawang imported.

Mga kaibigan, nawala na ang domestic economy. Ang tinatawag nating domestic market ay walang iba kundi bagsakan ng produkto ng dayuhan. Ang ating mga manggagawa na dapat sana’y nasa bansa at lumilikha ng produktong Pilipino ay nasa abroad na ngayon.

Maski sa panahon ng Martial Law, patuloy na ipinaglaban ng NEPA ang interes ng mga negosyanteng Pilipino subalit napakabigat ng laban. Nilamon ng dayuhan ang dating Fil-Oil, ang Beautifont at marami pang negosyong Pilipino.

At habang bumabagsak ang ating domestic economy, sumulong naman ang ating katabing bansa. Paano? Sa paraan ng economic nationalism.

Naikwento sa amin ni Sec. Salvador Enriquez, dating pangulo ng NEPA at DBM secretary na noong 1970’s pinigilan ng World Bank ang South Korea na magtayo ng sariling steel industry. Ayon sa World Bank, bakit pa kayo magtatayo ng steel industry ay wala naman kayong minahan, wala kayong capital, wala kayong technology. Sinagot ni Gen. Park Chung-hee ang World Bank, this is what we need and want.

Hindi rin nangimi ang South Korea o ang Taiwan na gamitin ang teknolohiya ng maunlad na bansa upang makalikha ng kanilang produkto. Dati, sub-con lamang ng Sanyo ang Samsung, sub-con lang ng Mercedes Benz ang Hyundai. Subalit dahil sa suporta ng gobyerno at ng mamamayan, nalampasan na ng Hyundai at Samsung ang kinopyahan nila ng kanilang produkto. Hindi rin nalalayo dito ang karanasan ng Acer na dating sub-con lamang ng IBM.

At dahil malakas na ang kanilang domestic economy, kaya at handa na ang mga bansang ito na harapin ang hamon ng globalisasyon. Handa sila dahil mataas ang nasyunalismo ng kanilang mamamayan. Walang matinong Koreano o Hapon ang bibili ng dayuhang produkto kung mayroon katumbas na produktong nililikha ng kanilang kababayan.

Malakas din ang suporta ng kanilang gobyerno. Habang ang Pilipinas ay wala nang taripa sa palay, 900% ang taripa ng Japan sa bigas – ganito kalakas ang suporta ng pamahalaan sa kanilang magsasaka lalu na ngayon sa panahon ng tinatawag na globalisasyon.

Kamakailan, nagkwento si Cong. Harry Angping, isa ring dating pangulo ng NEPA, na nang pumunta siya sa Cambodia noong isang buwan, nagulat siya na sa malakas ang garments industry sa Cambodia. Cambodians are selling and buying garments they themselves produced. At naisip niya, nasaan na ang 2 million strong garment workers ng Pilipinas? Naisip niya, kaunting taon na lang malalampasin din tayo ng Cambodia na dumanas ng matinding digmaan. Bakit?  Dahil may papasigla silang manufacturing sector.

Subalit, hindi pa huli ang lahat para sa atin. Usapin lamang ito ng wastong economic strategy.  Naniniwala ang NEPA sa kakayanan ng mga negosyanteng Pilipino, sa creativity ng ating mga imbentor at entrepreneurs. Patunay dito ang SM, ang Jollibee, ang Splash.

Pero kailangan natin ay hindi iilang Lucio Tan, o Gokongwei. Kailangan ng ating bansa ang libu-libo pang negosyante. Kailangan nating ng mga Pilipinong tatangkilik sa produktong Pilipino.

Kung tatangkilikin natin ang sariling gawa, mas mapapalaki ang produksyon ng lokal na negosyante at mas kakayanin natin makalikha ng mas dekalidad na produkto.  The domestic consumer must buy what is locally produced so that Filipino manufacturers can develop. Ito ay isang economic law. Kung hindi itataguyod ang sariling produkto, hindi tayo uunlad kahit kailan at mananatiling tambakan tayo ng mga produkto ng dayuhan.

Paano tatangkilikin ang sariling produkto kung dumadagsa naman ang murang produkto mula sa ibayong dagat?

Dito napakahalaga ng papel ng pamahalaan upang bigyan ng proteksyon ang mga lokal na negosyante.

Ang kalagayang ito ay mauugat marahil sa kakulangan ng isang malakas na economic lobby mula sa mga maliliit na mga mga negosyante. Ang economic portfolio sa cabinet ay pawang hawak ng mga technocrats at malalaking negosyante na kadalasa’y mga trader at partner ng mga dayuhang korporasyon.

Noong 1950’s at 1960’s kung kailan may pinakamabilis na growth rate ang ating manufacturing at industrial sector,  may malakas na economic lobby na pinamumunuan ng NEPA kung kaya’t ang mga makabayang batas sa ekonomiya ay naipasa at naipatupad. Ang National Economic Council noon, ngayo’y tinatawag na NEDA, ay pinamumunuan ng mga makabayang mga ekonomista-negosyante.

Mga kaibigan ko, panahon na upang muling palakasin ang tinig ng mga makabayang negosyante.  Ang interes ng mga negosyanteng Pilipino ay interes ng bansa. Ang pag-unlad ng negosyanteng Pilipino at ng domestic market ay pundasyon sa isang sustainable development.

At tulad noong panahon noon kung kailan ang Philippine Chamber of Commerce ay nanguna sa adhikain ng economic nationalism sa pamamagitan ng pagtatag ng NEPA, mapagkumbaba ko kayong hinihikayat, itayo natin ang NEPA dito sa Bikol, kasabay ng pagpapalakas ng Metro Naga Chamber of Commerce.

Napakaraming magagandang panukalang batas at policy proposals para sa ating pamahalaan ngayon. At kung malakas ang tinig ng mga negosyanteng Pilipino, hindi malayong maisasakatuparan ang mga ito.

Kinaharap ng NEPA noong 1934 ang napakahirap na kalagyaan noong 1934 nang hawak tayo ng mga Amerikano, napakahirap ng kalagayan noong 1946 nang ipatupad ang Parity rights Agreement, Napakahirap ng panahon noong 1965 hanggang ngayon. Subalit sa bawat kahirapan, hindi namamatay ang diwa ng economic nationalism. Lalo pa itong nag-iibayo.

Sa paglakas ng ating tinig at ng ating hanay, buo ang tiwala kong maibabangon natin ang ekonomiya ng ating bansa.

Palakasin natin ang ating hanay sa diwa ng economic nationalism. Ito ang mensahe ng NEPA.

Maraming salamat po, at mabuhay kayong lahat!

 

Posted in Articles and Statements, President's Messages | Leave a comment